Dating mayor ng Lipa, Batangas at iba pa, nagpasaklolo sa DOJ

Nagtungo sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang dating alkalde ng Lipa City, Batangas na Mayor Meynard Sabili.

Ito’y upang samahan at tulungan maghain ng reklamo ang nasa higit 100 nilang kababayan na nabiktima ng panloloko.

Partikular na inirereklmo ang isang Engr. Ronald Rivera na isa daw sa representative at presidente ng pribadong kumpaniya.


Ayon kay Mayor Sabili, noong panahon na nakaupo siya sa pwesto ay pinaalis niya ang kumpaniya ni Rivera dahil sa ilang reklamo na kaniyang natatanggap mula sa mga residente.

Pero nagulat siya ng nakabalik ito sa Lipa kung saan nagawa umano nitong manghikayat ng ilang indibidwal upang mag-invest sa kaniyang kumpaniya.

Sinabi pa ni Sabili na nais sana ng mga nagrereklamo na makausap si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Subalit may nakatakdang lakad ang kalihim kaya’t ipinarating na lamang nito kay Sabili na agad niyang paiimbestigahan ang insidente sa NBI Anti-Fraud Division.

Kaugnay nito, nananawagan si Mayor Sabili sa iba pang indibidwal na naloko ni Rivera kung saan nakarating din sa kaalaman ng alkalde na bilyung piso na ang umano ang natangay nito kaya’t naniniwala siya na may sindikato na nasa likod nito.

Facebook Comments