Dating Mayor ng Marawi City, isinama na ulit ng Defense Department sa arrest order

Marawi City – Inanunsyo ng Office of the Presidential Adviser for the Peace Process na binawi na ang temporary clearance para kay dating Marawi City Mayor Omar Solitario Ali at dalawang anak na lalaki nito.

Ibig sabihin nito ay kasama na ang tatlo sa arrest order ng Department of National Defense kaugnay na rin sa ipinatutupad na Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Secretary Jesus Dureza, pinag-aralan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagbibigay ng clearance sa dating alkalde pero dahil aniya sa pagtutol ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Marawi at Lanao del Sur Local leaders ay kailangan nang arestuhin ang mga ito dahil sa kasong rebelyon.


Sinabi ni Dureza na ang clearance ay para sana makalampas sa mga checkpoints ang mga Solitario at makapulong si Lorenzana.

Sa ngayon aniya ay susunod nalang sila sa desisyon ni Lorenzana na tumatayong Martial Law Administrator.

Facebook Comments