Hindi pa rin naglalabas ng pahayag si dating Mayor Bobby Eusebio hinggil sa higit 700 milyung piso sobrang suplay na binili para sa lokal na Pamahalaan ng Pasig City.
Nabatid na base sa datos ng Commission On Audit, umabot sa 957. 787 milying piso ang kanuang gastos sa mga suplay na binili ng administrasyon ni Eusebio pero 196.137 milyung pisong halaga lamang ang nagamit nito.
Lumalabas pa na aabot sa 755.648 milyung pisong halaga ng mga suplay ang posibleng mabasura lamang dahil hindi na ito pwedeng mapakinabangan.
Naging mabagal din ang proseso ng pag-audit noong panahon na nakaupo si Eusebio kaya’t hirap din silang mai-ayos ang sarili nilang inventory.
Ayon pa sa COA, june 28, 2019 nang matanggap ng dating alkalde ang report pero hanggang sa ngayon ay hindi pa din daw ito sumasagot.
Dahil din sa bagal ng proseso maging sa sa city’s bid and award committee ay nade-delay ang ilang proyekto tulad ng pagpapagawa ng mga paaralan, mga pasilidad ng lokal na pamahalaan at iba pa.
Tumaas naman ng 1.941 bilyung piso ang revenue ng Pasig City noong 2018 pero nagulat ang lahat sa isiniwalat ng bagong mayor na si Vico Sotto na hinayaan lamang ni Eusebio na matengga ang 15 bilyung pisong pondo ng lokal na pamahalan na nasa bangko lamang.