Dating Mayor sa Apayao, Sumuko matapos Masangkot sa Pagpatay sa Ex-Fiscal ng City of Ilagan

Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad si dating Conner, Apayao Mayor Leonardo Dangoy na isa sa mga itinuturing na nasa likod ng nangyaring pagpatay kay noo’y Deputy Fiscal Atty. Victor Begtang Jr. ng City of Ilagan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Apayao Police Provincial Office, nito lamang Nobyembre 16, 2022 ng magtungo sa pulisya ang dating opisyal kasama ang kanyang abogado ng malaman na naglabas ng warrant of arrest ang korte para sa kasong pagpatay laban sa kanya.

Matatandaan na makailang beses na pinagbabaril ng riding-in-tandem si Begtang sa kanyang malapit sa kanyang bahay sa Sitio Hanhan, Barangay Malama,Conner hapon ng Hunyo 23, 2021.

Hihintayin na lang ng kampo ng suspek ang gagawing pagdinig sa kasong isinampa laban sa kanya.

Facebook Comments