Patay sa isang mayoral candidate sa 2019 elections matapos tambangan sa Barangay Apas, Cebu City, kagabi.
Ayon kay Police Captain Francis Renz Talosig ng Mabolo Police Station, naglalakad lamang pauwi sa kanilang bahay si Ruben Feliciano nang pagbabarilin sila ng kanyang pamangkin.
Aabot sa limang armadong kalalakihan na nakasakay sa isang puting van ang bumaril sa mga biktima.
Lumalabas na walang plaka ang sasakyan ng mga suspek.
Nadatnan na lamang ng mga operatiba ng Cebu City Emergency Services na wala nang buhay si Feliciano.
Narekober ang limang cartridge cases ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril, pitong rounds ng live ammunition, tatlong basyo at isang caliber Glock pistol na may 11 bala.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon at follow-up operations para malaman ang motibo sa krimen.
Sa ngayon, nagpapagaling ang pamangkin ni Feliciano sa isang pribadong ospital sa Cebu.