Lumutang sa National Bureau of Investigation (NBI) si dating Mexico, Pampanga Mayor Teddy Tumang at dalawang konsehal.
Ito ay matapos padalhan ng subpoena ng NBI kaugnay ng pagkakasangkot ng mga ito sa mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operasyon sa kanilang lugar.
Ayon kay NBI Director Jimmy Santiago, ipinauubaya na niya sa task force ang imbestigasyon sa nasabing kaso.
Nais aniya malaman ng NBI ang partisipasyon ni Tumang sa operasyon ng POGO sa Mexico, Pampanga at kung may nangyaring human trafficking.
Una nang na-cite for contempt ng House Quad Committee si Tumang sa pagharap nito sa hearing.
Facebook Comments