Dating mga Drug Surrenderee, Huli sa Pagsusugal; Pakete ng Shabu, Nakumpiska

Cauayan City, Isabela-Arestado ang tatlong lalaki matapos maaktuhan na nagsusugal bandang 11:50 kagabi sa Sitio Upper Basitao, Taggay, Pinukpuk, Kalinga.

Kinilala ang mga suspek na sina Johan Beyao ,37-anyos; Rocky Mewag 33-anyos kapwa residente ng Taggay, Pinukpuk; at Arnold Lammawin,39-anyos at residente naman ng Aciga, Pinukpuk, Kalinga.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na kasalukuyan ang paglalaro ng ‘tong-its’ partikular sa bahay ng nagngangalang Carme Beyao.


Nakumpiska sa mga ito ang mga baraha na gamit sa iligal na sugal at P800.00.

Narekober din ng mga otoridad sa isa sa mga suspek ang isang (1) pakete ng naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nabatid na ang mga naarestong mga suspek ay dati ng mga drug surrenderee taong 2016 at sumailalim pa sa Pinukpuk Rapha Wellness and Recovery Program noong August 19, 2019.

Sasampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 at RA 9165 o Illegal Drugs ang mga suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments