Manila, Philippines – Inihayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na malala pa rin ang kalagayan ng mga pampublikong paaralan sa bansa.
Ito ay sa kabila na isang linggo na lamang ay magbubukas na ang klase.
Ayon kay Raymond Basilio, Secretary General ng ACT, mararanasan muli ng mga estudyante at guro ang anilay mga age old problems o mga dati nang problema sa paaralan.
Binigyang halimbawa ang kakulangan ng mga classrooms, learning resources at teaching and non-teaching personnel.
Base sa ulat ng ACT, may 15 rehiyon sa bansa ang kulang sa classrooms na karamihan ay nag-o-operate pa rin sa shifting schedules na 50–70 class size.
Binigyang halimbawa nito ang Regions I at VI na may mga mag-aaral at guro ang magkaklase pa rin sa isang makeshift classrooms na gawa sa yero.
Habang sa Region V may mga estudyante ang nagkaklase sa mga nipa huts.
Lalo na sa mga lugar na pininsala ni bagyong Yolanda sa Region 8, kung saan mananatili pa ring papasok ang mga estudyante sa mga plywood classrooms mula pa 2014 .
Malala din ang problema sa Regions 7 at 11 na pati mga comfort rooms ay ginagawa nang classrooms, covered courts, hagdanan, hanggang sa ilalim ng mga puno sa labas ng school building.
Hindi rin nawawalan ng ganitong problema sa Region 13-3-9, Region I, 4-A, 4-B at 12 na pati mga instructional materials at iba pang resources ay kulang.