DATING MGA REBELDE NA NASALANTA NG BAGYONG KRISTINE, TINULUNGAN NG 1ST IPMFC

CAUAYAN CITY – Nagpaabot ng tulong sa mga dating rebelde na nasalanta ng bagyong “Kristine” ang 1st IPMFC sa pangunguna ni PMAJ Francis Pattad, OIC, Force Commander.

Ayon sa ulat, ang mga naturang former rebels ay lumapit kay PMAJ Pattad upang humingi ng tulong pinansyal at hindi naman ito nag-atubiling tumulong.

Bukod sa tulong pinansyal, namahagi rin ito ng bigas at relief goods para sa kanilang pamilya.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga dating rebelde bago ihatid sa kanilang lugar kung saan sila nakatira.

Facebook Comments