manila, Philippines-Pinakakasuhan ng Ombudsman si dating misamis Oriental 1st District Rep. Prospero Nograles dahil sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, tatlong counts ng graft at isang count ng malversation at dalawang counts ng malversation thru falsification of public documents ang kakaharapin ni Nograles.
Nag-ugat ang anomalya noong panunungkulan ni dating Congressman Danilo Lagbas na namatay noong 2008.
Batay sa mga dokumento mula 2007 hanggang 2009, nag-release ang department of budget and management ng P47,500,000 bilang PDAF ni Lagbas.
Ilang NGO ang napili para magpatupad ng integrated livelihood projects sa unang distrito ng naturang lalawigan sa pamamagitan ng NABCOR, TRC at NLDC bilang implementing agencies.
Gayunman, nadiskubre ng Ombudsman Field Investigation Unit sa Mindanao na karamihan sa benepisyaryo ng proyekto ay nagsabing hindi nakarating sa kanila ang proyekto.