𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗙𝗣, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢

Namatay matapos pagbabarilin ang isang dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa bayan ng Bolinao.
Kinilala ang biktima na si Rodrigo Credo singkwentay tres anyos at residente ng Brgy. San Roque sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima papunta sa kanyang bukid pasado alas sais ng umaga nang ito ay pagbabarilin sa ibat ibang bahagi ng katawan ng dalawang katao na agad na tumakas matapos ang insidente.

Agad na namatay ang biktima dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkakakilanlan ng mga suspek maging ng kung ano ang motibo sa pamamaril. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments