DATING MIYEMBRO NG CFO, KUSANG SUMUKO SA SAN NICOLAS, PANGASINAN

Isang 67-anyos na babae at dating kasapi ng grupong Tignay Dagiti Mannalon a Mangwayawaya iti Agno (TIMMAWA), ang kusang nagbalik-loob sa pamahalaan sa Barangay San Rafael West, San Nicolas, Pangasinan.

Isinagawa ang operasyon ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company katuwang ang ilang yunit ng pulisya at lokal na pamahalaan.

Sa ginawang debriefing, opisyal na nagpahayag ng pagtalikod sa kilusang kanyang kinaaniban ang dating miyembro at lumagda ng Pledge of Allegiance bilang simbolo ng kanyang pagsuporta sa gobyerno.

Bilang bahagi ng programa ng reintegrasyon, binigyan siya ng isang sako ng bigas, grocery items, at kaunting pinansyal na tulong bago siya pormal na isinalin sa pangangalaga ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas para sa patuloy na monitoring at asistensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments