Cauayan City – Boluntaryong sumuko ang isang lalaking dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa ilalim ng Kilusang Larangan Guerilla (KLG) sa Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang lalaki bilang alyas “Bony”, 54-anyos at residente ng nasabing lugar kung saan, kusa nitong inamin na na-recruit siya noong taong 2006 ng isang miyembro ng CTG na kilala sa pangalang “Ara.”
Sumali umano siya sa grupo dahil sa mapanlinlang na propaganda at nanumpa bilang “Kandidatong Kasapi.”
Ibinahagi rin ni alyas “Bony” ang kaniyang mga karanasan sa mga engkwentro laban sa pwersa ng gobyerno na nagtulak sa kaniya upang tuluyang mag-lie low at kalauna’y sumuko.
Sa ngayon si alyas “Bony” ay nasa kustodiya na ng 2nd NVPMFC para sa kaukulang dokumentasyon at debriefing.
Ang pagsuko ni alyas “Bony” ay naging matagumpay dahil sa pinagsanib na pwersa ng operatiba mula sa 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company (2nd NVPMFC) at Bambang Police Station.