Dating miyembro ng MTPB, arestado sa pangongotong sa Maynila

Inaresto ng Manila Police District (MPD) ang isang dating miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil sa pangongotong sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Jay-V Gantang na naaresto dahil sa pangongotong daw ng truck drivers sa Road 10 sa Tondo.

Kasama ring naaresto ang isang Rodel Otiong, Jr.


Nabatid na si Gantang ay nasa top 3 ng Most Wanted Person ng MPD-Station 7.

Una nang nagpalabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court laban kay Gantang kung saan ₱100,000 ang inirekomendang piyansa ng korte.

Facebook Comments