Dating miyembro ng Philippine Army, nahuli ng PNP-CIDG matapos makuhaan ng mga loose firearms sa Bukidnon

Arestado ang isang dating miyembro ng Philippine Army sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Brgy. Bagontaas, Valencia City, Bukidnon kahapon.

Kinilala ang naaresto na si Victor Canarejo, lider ng “Canarejo Group” na sangkot sa gun for hire at gunrunning activities na nag-ooperate sa Valencia City at mga kalapit bayan sa Bukidnon.

Nakuha sa kaniya nang sya maaresto sa Bukidnon ang isang colt caliber .45 pistol, isang short steel magazine, dalawang caliber .45 cartridges, bundle ng boodle money na nakalagay sa puting envelope.


Sa ngayon, nahaharap na ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments