Dating Miyembro ng Rebeldeng Grupo, Sumuko sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sto. Niño Police Station upang tuligsain ang maling gawa ng CPP-NPA-NDF.

Si alyas ‘Ka Jas’, 30-anyos, binata, magsasaka at residente ng Brgy. Centro Norte sa bayan ng Sto. Niño ang sinamahan ng mga kasapi ng pulisya at mga miyembro ng Cagayan Alliance for Peace and Development Sto. Nino Chapter sa kanyang ginawang pagsuko.

Ibinulgar rin ni ‘Ka Jas’ na noong Disyembre 2009, mga armadong grupo sa pamumuno ni alyas ‘Ka Jacky’ kasa ang pitong (7) miyembro ng CTG ang dumating sa Sitio at nagsagawa ng Gawaing Masa (GAMAS) kung saan tumulong sila sa komunidad para magtanim ng agricultural crop, gayundin nagsagawa sila ng panghihikayat sa mga Kabataan.


Ang nasabing grupo aniya ay nagtungo rin sa Sition Casipulan, Barangay Balanni sa naturang bayan kung saan nakapanghikayat ang mga ito ng higit kumulang 30 bagong miyembro mula sa iba’t ibang bayan.

Isinalaysay din nito na ang mga bagong recruit members ay sumailalim sa Individual Combat Training (ICT) at makalipas ang ilang buwan na pagsasanay, nabigyan ito ng shotgun riffle na may mga bala.

Itinalaga rin siya bilang member ng Squad 3 Platoon Charlie at naatasan na gumanap sa Gawaing Masa (GAMAS).

Sa ngayon,boluntaryong sumuko sa pulisya si alyas ‘Ka Jas’ para linisin ang kanyang pangalan at boluntaryong isinuko ang isang yunit ng 12-gauge homemade shotgun kung saan matagal na panahon itong nakabaon sa lupa.

Resulta pa rin na mahigpit na kampanya ng pamahalaan ang pagsuko ng dating miyembro ng rebelde.

Facebook Comments