Dating miyembro ng SexBomb, naka-recover sa COVID-19

Image from IG/Jacqueline Esteves-Tran

Ikinuwento sa isang online reunion ng dating SexBomb dancer at ngayon ay medical frontliner na si Jacque Esteves ang kaniyang pinagdaanan sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nalaman ni Esteves na positibo siya sa COVID-19 noong Abril 1 at posibleng nahawa siya sa kapwa healthcare worker na tinamaan din ng kinatatakutang karamdaman.

Mahigit sampung taon nang naninirahan sa Anaheim, California, sa Estados Unidos ang dating miyembro at doon na raw siya nagkaroon ng sariling pamilya.


“‘Yung lungs ko noon, nagbi-build up. So halos natutulog ako nakaupo dahil kapag nakahiga ako, nagbi-build up tapos hindi na ako makahinga. ‘Yung body mo parang tinutusok, ‘yung chest ko parang may nag-stab na kutsilyo, ganoon ang napi-feel ko,” saad ng personalidad sa panayam ng programang 24 Oras.

Sa ngayon ay nagpapagaling na si Esteves na sumailalim sa self-quarantine.

Pinayuhan niya rin ang publiko na mag-ingat at sumunod sa protocol na ipinatupad ng awtoridad para makaiwas sa COVID-19.

Isa sa kinahumalingan noong 2000 ang grupong SexBomb na unang lumabas sa noontime variety show na Eat Bulaga.

Facebook Comments