Dating miyembro ng Teroristang Grupong RSDG-KRCV, Nagbalik-loob na sa Pamahalaan

Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang isang dating miyembro ng CPP-NPA sa Brgy. Zone 1, San Mariano, Isabela.

Ayon kay Col. Gladius Calilan, Commander ng 95th Infantry Battalion, patunay lamang ito na kusa ng nagbabalik-loob sa pamahalaan ang mga dating miyembro na hindi na kinaya pa ang sitwasyon sa kanilang kinabibilangang grupo.

Narekober naman ang ilang kagamitan ng mga teroristang NPA na kinabibilangan ng dalawang (2) Commercial Handheld Radios (ICOM), isang (1) rolyo ng water hose, isang (1) rolyo ng kable ng kuryente, 13 laminated sacks, mga kagamitang panluto, mga lagayan ng tubig at dalawang (2) civilian NPA back packs na pagmamaya-ari ng mga naunang natulungan na nagbalik loob na sina “Ka Leslie” at “Ka Jimboy” na narescue ng tropa ng 95IB noong ika-16 ng Pebrero 2020.


Ilan naman sa mga gamit na narekober ay pinaniniwalaang pagmamay-ari ng mga miyembro ng Regional Sentro De Grabidad, Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (RSDG, KRCV) sa Barangay Nanaguan, Ilagan City, Isabela noong ika-26 ng Agosto 2020.

Sa patuloy na kampanya ng kinauukulan gaya ng 95th Infantry Battalion at Isabela Police Provincial Police Office ay nagbalik-loob na si “Ka Lito” dating miyembro ng Regional Sentro De Grabidad, Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (RSDG, KR-CV).

Sa ginawang pakikipag-usap kay “Ka Lito”, kanyang inihayag na siya di-umano ay nirekrut ni “Ka Rod” at “Ka Shuli” noong Marso taong kasalukuyan.

Isiniwalat nito kung saan nakatago ang mga kagamitang naiwan ng kanyang mga kasamahan na NPA sa Brgy. Rang Ayan, Ilagan, Isabela pagkatapos ng engkwentro sa pagitan ng 95IB at ng NPA noong February 16, 2020.

Ayon pa sa kanya, hindi siya natakot at nagdalawang isip pa na magbalik-loob sa pamahalaan dahil nakita niya ang pagkakaiba ng sitwasyon ng nawala ang presensya ng mga teroristang NPA.

Nakita rin niya ang suporta ng ating pamahalaan, mga kasundaluhan at kapulisan na matulungan ang mga katulad niyang nalinlang ng teroristang NPA.

Pinapurihan ni MGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5ID si “Ka Lito” sa kanyang desisyong magbalik-loob sa pamahalaan at hinikayat ang mga natitira pang mga NPA sa Cagayan Valley at Cordillera.

Binigyang diin ni BGen. Mina na ang tunay na kapayapaan at pag-unlad ay matatamasa sa pagtutulongan ng lahat, lalong-lalo na sa pakikiisa ng mamamayan.



Facebook Comments