Dating MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino, Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Conduit Nito Ngayong Panahon ng Bagyong Ompong!

*Cauayan City, Isabela-* Inatasan bilang conduit ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino upang magbigay ng impormasyon hinggil sa mga nagaganap at paghahanda ng mga iba’t-ibang ahensya na maaapektuhan ng bagyong Ompong dito sa bansa.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Atty. Francis Tolentino na iniatas umano sa kanya ng Pangulo na iparating lahat nito ang mga impormasyon sa bawat ahensya hinggil sa kanilang isinasagawang preparasyon at sa magiging resulta ng pananalasa ng bagyong ompong.

Una rito ay nakatakdang magtungo ngayong araw sa Tuguegarao City si Atty. Tolentino upang makipagkoordinasyon sa mga LGU’s at bibisita rin umano dito sa ating lalawigan maging sa iba pang mga probinsya na maapektuhan ng bagyong Ompong.


Kanya namang hiniling ang kooperasyon ng bawat isa na sundin na lamang ang mga paabiso ng mga otoridad at lumikas na rin sa mga lugar na naabot ng baha.

Facebook Comments