Dating model sumuko sa lovelife, pinakasalan ang aso

Credits: ITV/The Sun

Matapos dumaan sa ilang kabiguan sa pag-ibig, nahanap na rin ng isang dating model sa United Kingdom ang nais niyang makasama habambuhay, “for better, for woof.”

Live mismo sa telebisyon ang pagpapakasal ng dating swimsuit model na si Elizabeth Hoad, 49, sa kanyang 6-taon gulang na golden retriever na si Logan.

Sa British tv show na “This Morning”, sinabi ng sikat na model noong ’80s na nahirapan siya sa pag ibig matapos dumaan sa apat na engagement at higit 200 palpak na ligawan.


“I’ve completely given up. Hand on heart, I’ve been on all those websites,” ani Hoad sa mga host ng programa.

Pinaka nagtulak daw sa kanya para tumigil na sa paghahanap ng lalaki ay ang huli niyang nakarelasyon na mayroon na palang asawa.

Sa oras ng matinding kalungkutan, ang inampon na asong si Logan ang nagsilbi niyang aliw.

Maging mga kaibigan niya rin daw ay tinutukso siya na si Logan na lang ang pakasalan.

“It’s not just me. I meet with ten other friends a week, we go on lots of trips with our dogs, and I’m not working at the moment, so my friends are like, ‘Why don’t you just marry him?'” ani Hoad.

Credit: ITV

Sa seremonya ng kasal, naglakad sa aisle si Hoad suot ang simpleng puting dress at si Logan na naka-tuxedo, sa saliw ng “Puppy Love” ni Paul Anka.

Pang-aso rin ang tema ng kanilang wedding vows:

“If any persons here present has a bone of contention, as to why they may not be joined together, I will now paws to let them speak, bark, now or forever hold their peace.

Do you Elizabeth take Logan to be your very own pedigree chum?”

Sa pagtatapos ng programa, si Hoad at Logan ay ganap nang… mag-asowa?

Facebook Comments