MANILA – Muling kakasuhan ng katiwalian ng Office of the Ombudsman si Dating Metro Rail Transit Authority General Manager Al Vitangcol III dahil sa tangka umanong kotongan ng $30 million ang isang supplier.Bukod kay Vitangcol – sasampahan din ng reklamo si Wilson De Vera na kasabwat umano nito sa pagtatangkang makakuha ng pera sa Inekon, isang Czech Company na nagsusuplay ng light rail vehicles.Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales – may batayan upang kasuhan si Vitangcol at De Vera.Kasama aniya sa mga ikinonsiderang ebidensya ng Ombudsman ang pahayag nina Czech Ambassador Josef Rychtar at kinatawan ng Inekon na si Joseph Husek.Una nang napatunayang guilty si Vitangcol sa dalawang kasong administratibo, serious dishonesty at unlawful solicitation na may parusang pagkasibak sa serbisyo.Pero dahil wala na sa serbisyo, siya ay pagmumultahin na lamang ng kasing halaga ng kanyang isang taong sahod.Hindi na rin siya maaaring magtrabaho sa gobyerno at hindi na niya makukuha ang kanyang retirement benefits.
Dating Mrt General Manager Al Vitangcol Iii, Muling Kakasuhan Dahil Sa Umano’Y Tangkang Pangongotong Sa Supplier Na Nags
Facebook Comments