Dating NBN-ZTE deal star witness, iginiit na politika ang motibo sa pagkakadiin nilang magkapatid sa graft case

Dating NBN-ZTE deal star witness, iginiit na politika ang motibo sa pagkakadiin nilang magkapatid sa graft case.

Nag-return of warrant na ang National Bureau of Investigation (NBI) – Special Action Unit sa Sandiganbayan matapos na sumuko si Rodolfo Noel “Jun” Lozada at ang kapatid nito na si Jose Orlando.

Ang magkapatid ay una nang hinatulang guilty ng Sandiganbayan Fourth Division sa kasong katiwalian kaugnay sa land deal sa Philippine Forest Corporation.


Inisyu ng anti-graft court ang arrest warrant sa mga Lozada makaraang pagtibayin ng Korte Suprema ang ruling nito.

Ayon sa NBI, posibleng sa susunod na linggo lumabas ang committment order ng Sandiganbayan para ilipat sa New Bilibid Prisons ang dalawa.

Pero, habang wala pang utos mula sa hukuman ay mananatili muna sa NBI detention center ang magkapatid na Lozada.

Si Jun Lozada ang star witness noon sa NBN-ZTE deal kung saan idiniin niya sina dating Pangulong Gloria Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo.

Iginiit ni Lozada na na-politika lang siya at nadiin sila ng kanyang kapatid sa kaso.

Anim na taon hanggang 10 taon na pagkakakulong sa Bilibid ang ipinataw ng korte sa magkapatid na Lozada.

Facebook Comments