Dating NCMH Executive Clarita Avila, hindi pa rin nililisan ang tirahan sa NCMH sa kabila ng liham ng DOH

Bigo pa rin na lisanin ni dating National Center for Mental Health (NCMH) chief administrative officer Clarita Avila ang tinutuluyan nito sa  compound ng ospital.

Sa kabila ito ng liham mula sa Department of Health (DOH) na naglalaman ng order of reassignment ni Avila patungo sa Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Las Piñas City.

Sinasabing nag-ugat ito sa kanyang mga kaso sa Ombudsman tulad ng nepotism, serious dishonesty and falsification of documents, at graft and malversation.


Sinasabi kasing Labag sa alituntunin ng Civil Service Commission (CSC) ang kanyang pagkuha sa serbisyo at pagbibigay ng mabilisang promotion sa NCMH, sa kanyang mga anak na sina Angel Aguilar, Mark Aguilar, Roseni Aguilar at Sarah Joy Aguilar Lobo

Bukod pa sa sinasabing hindi kumpletong detalye sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN) at nabatid na si Angel ay isa sa mga incorporator ng Octant Builders base records ng Securities and Exchange Commission o SEC, para sa 14 na infrastructure projects sa NCMH na nagkakahalaga 168-million Pesos.

Nabatid  na nadawit din si Avila sa irregularity daw sa  Land Development Project ng NCMH na nasa halagang P320 million kung saan na-divert ito sa ibang proyekto.

Sinasabing hinihikayat din ni Avila ang kanyang mga pinasok na mga empleyado na i-petisyon si NCMH Chief Dr. Roland Cortez para makabalik sa East Avenue Medical Centet para hindi maisulong ang kanyang mga kaso.

Facebook Comments