Inilipat ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., si Police Major General Jonnel Estomo bilang pinuno ng Area Police Command – Western Mindanao.
Ito ang bagong balasahan na ipinatupad sa hanay ng PNP.
Huling pwesto na hawak ni Gen. Estomo ang pagiging director ng PNP Directorate for Plans matapos na magsilbi noon bilang National Capital Region Police Office (NCRPO) Director.
Si Gen. Estomo ang pumalit sa pwesto ni Police Lieutenant General Vicente Danao Jr., na nagretiro na sa serbisyo kahapon Agosto 10.
Uupo naman sa binakanteng pwesto ni Estomo sa PNP Directorate for Plans si Police Brigadier General Nicolas Salvador.
Facebook Comments