Dating Negros Oriental Governor Roel Degamo, ipinroklama bilang gobernador ng COMELEC

Nagbabalik si dating Negros Oriental Governor Roel Degamo bilang chief executive ng probinsya.

Kasunod ito ng pagproklama ng Commission on Elections (COMELEC) special provincial board of canvasser kay Degamo bilang nanalo nitong 2022 gubernatorial race sa tanggapan ng poll body kahapon.

Batay kasi sa updated canvass ng SPBOC, nakakuha si Degamo ng 331,726 votes habang nakuha ng katunggali nitong si Governor Pryde Henry Tevez ng 301,319 votes.


Ito ay matapos mailipat ng SPBOC ang botong nakuha ng kandidatong si Grego “Ruel Degamo” Gaudia papunta sa dating gobernador.

Idineklara kasing nuisance candidate si Gaudia ng COMELEC en banc noong December 2021 batay sa resolusyong inilabas ng 2nd division ng poll body.

Labis namang ikinatuwa ni Degamo ang desisyon habang una nang inihayag ni Tevez na rerespetuhin nito ang magiging desisyon ng COMELEC hinggil dito.

Facebook Comments