Dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., pinaaresto na ng Manila court dahil sa kasong murder

Naglabas na warrant of arrest ang Manila court laban kay dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves at tatlong iba pa na sangkot sa Pamplona Massacre noong Marso, kung saan napatay si Governor Roel Degamo at siyam na iba pang katao.

Sa apat na pahinang desisyon ng Regional Trial Court Branch 51, Manila, nakitaan ng korte ng probable cause para ipaaresto ang mga akusadong sina:

1. Arnolfo Teves Jr.
2. Angelo Palagtiw
3. One alias na kapatid ni Angelo
4. Capt. Lloyd Cruz Garcia
5. Nigel Electona na naka-detain na sa Manila City Jail.


Dahil dito, itinakda ng hukuman ang arraignment at pre-trial conference sa October 4, 2023 habang kinansela naman ang pagdinig sa naturang kaso bukas, September 6, 2023.

Facebook Comments