
Personal na nagtungo sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 16 si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.
Ito’y para humarap sa arraignment hinggil sa kaso nitong murder noong 2019.
Mula Camp Bagong Diwa sa Taguig, bantay sarado ang dating kongresista ng dumating sa Manila City Hall suot ang bullet proof vest at kevlar helmet.
Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio sa Branch 16 humaharap si Teves dahil sa nakikigamit muna ng pasilidad ang Branch 15 kung saan ang ginagamit na gusali ay isasailalim sa pagsasaayos.
Bukod kay Teves, kasama din sa arraignment ng naturang kaso sina Hannaj Mae Sumerano, Richard Cuadra, Jasper Tanasan, Alex Mayagma at Rolando Pinili.
Matatandaan na kahapon ay idinaan sa video teleconference ang arraignment ni Teves sa Manila RTC Branch 12 na kaugnay sa hiwalay na kasong murder noong 2019 kung saan ngayong araw inobliga siya na dumalo ng personal sa korte.









