Dating ng mga pasahero sa PITX, patuloy pang nadadagdagan ngayong Lunes Santo; above normal na foot traffic asahan ngayong araw

Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga pasaherong gumagamit ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong Lunes Santo.

Ayon kay PITX Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, nasa 130,000 pa rin ang inaasahan nilang biyahero na dadagsa ngayong araw.

Mas marami pa rin ito kumpara sa mga normal na araw sa terminal.


Kasunod nito, may ilan pa ring pasahero ang ayaw na makipagsabayan pa sa peak ng uwian na inaasahan sa Miyerkules ng gabi.

Sa panayam ng RMN Manila kay aling Liza Mortel, sinabi nitong uuwi na sila ng maaga para makapag-samba at makasama pa sa mga prusisyon sa kanilang probinsya.

Ito na kasi ang nakagawian nila simula pa noon kung kaya kahit walk-in ay talagang nakipagsapalaran na sila.

Ngayon ay halos 10,000 na ang mga gumamit ng terminal.

Samantala, wala pa namang mga biyahe ang fully book na sa ngayon. Inaabisuhan pa rin ng pamunuan ng PITX na agahan na lamang ang pagpunta at pagkuha ng ticket sa nasabing terminal.

Facebook Comments