Made-delay na naman ang delivery ng Russian vaccine na Sputnik V sa bansa ngayong buwan.
Ito ang inamin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. kasunod ng pangamba ng ilan dahil halos isang buwan na ay wala pa silang second dose.
Hindi naman nagpaliwanag si Galvez kung bakit hindi made-delay ang dating ng mga bakuna.
Matatandaang noong Hulyo ay na-delay din ang delivery ng 170,000 doses ng Sputnik V na naka-schedule sa unang linggo ng buwan pero dumating na noong July 9 at 10.
Habang noong Hunyo, na-delay din ang dating ng 100,000 doses ng Sputnik V dahil sa logistical issues.
Facebook Comments