Personal na iniabot ni CHR Region 2 Director Atty. Jimmy Baliga ang cheque na nagkakahalaga ng P10,000 kay alyas “Rasib”.
Ayon kay Baliga, isa lamang ang child warrior sa mga benepisyaryo ng kanilang programa na layuning makapagbigay ng tulong sa mga indibidwal lalo na sa mga kabataan na nakaranas ng Human Rights Violation.
Si alyas Rasib ay 12-taong gulang noon ng mahikayat siya ng kanyang tiyuhin bilang miyembro ng armado taong 2005.
Ayon sa dating child warrior, nangako ang kanyang tiyuhin na ipapasok ito sa paaralan at tutulungan ang kanyang mga magulang sa pang araw-araw na pangangailangan nila kung sasama sa makakaliwang grupo.
Dahil sa kagustuhang makatulong sa kanyang pamilya ay nakumbinsi itong gumamit ng armas at mag-aklas laban sa gobyerno hanggang 2007.
Sa matinding takot, wala aniya itong magawa kundi sundin ang kagustuhan nila dahil sa pagbabanta laban sa kanyang pamilya.
Noong nakaraang buwan, apat na dating NPA child warriors ang nakatanggap rin ng P10,000 bawat isa mula sa CHR sa 17th Infantry Battalion Headquarters, Bangag, Lal-lo, Cagayan.