Dating NPA na may kasong Rebellion, Arestado

Cauayan City, Isabela- Arestado ang Top 10 Most Wanted Person Regional Level matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Calabuan, Baler, Aurora.

Kinilala ang akusado na si Reynaldo Santos o mas kilala bilang Marvin Dela Peña/ Ka Pong Pong, 37-anyos, dating miyembro ng KLG Sierra Madre at residente ng Brgy.Cozo, Casiguran, Aurora.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay PMAJ. Ferdinand Corpuz, hepe ng PNP Bambang, boluntaryong sumuko si Santos sa mga otoridad noong panahong miyembro pa ito ng kanyang kinabibilangang grupo hanggang sa arestuhin ito sa pangangalaga ng 91st Infantry Battalion, Philippine Army.


Ipinag-utos ni hukom Raul Attolba Jr. ng RTC Br. 30 Bambang Nueva Vizcaya ang pagdakip sa akusado dahil sa kinakaharap nitong kasong Rebellion.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng PNP Bambang si Santos na nakatakdang humarap sa pagdinig ng kanyang kaso.

Facebook Comments