Dating NPA na Sumuko sa Pamahalaan, Binaril ng Sundalo

*Cauayan City, Isabela*- Iniimbestigahan na nang pulisya ang insidente ng pamamaril ng isang aktibong sundalo na ikinasawi ng dating sumukong NPA sa Brgy. Rang-Ayan, City of Ilagan.

Kinilala ang biktima na si Pedro Anog, 27 anyos, binata at residente ng Brgy. Alibadabad, San Mariano, Isabela habang ang suspek ay kinilalang si Jerry Dungliin, nasa hustong gulang at kasapi ng 52nd Military Intelligence Company ng 5th MIB Philippine Army.

Batay sa paunang impormasyon, nag-iinuman ang biktima at suspek nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa hindi pa mabatid na kadahilanan at dito ay agad na binaril ng suspek ang biktima ng di pa matukoy na kalibre ng baril.


Ayon naman sa pamunuan ng 5th Division Public Affairs Office, napag-alaman na sumuko na matapos ang ilang araw na pagtatago ng suspek at maaring maharap sa patung-patong na kasong administratibo at kriminal dahil sa nangyaring insidente na nag-iinuman habang nasa ECQ at ipinapatupad ang Liquor Ban sa Lalawigan ng Isabela.

Tumutulong na ang kasundaluhan sa pamilya ng biktima upang maiuwi ang mga labi nito sa kanilang lugar sa San Mariano, Isabela.

Facebook Comments