Dating NTC Regional Director sa Caraga Arestado sa kasong Graft

679

Inaresto ng pulisya ang dating National Telecommunications Commission (NTC) Caraga Regional Director na si Rudy Carreon Valdez, 66 taong gulang, naninirahan sa Poblacion Palimbang, Sultan Kudarat.

Alas 9:45 kahapon ng umaga, matapos ang arraignment sa kasong Estafa ng dating opisyal kung saan nakaabang naman ang kasapi ng Butuan City Police sa Hall of Justice, Barangay Libertad, Butuan City para arestuhin si Valdez sa kasong graft na kinakaharap nito sa bisa ng dalawang warrant of arrest na inisyu ni Judge Augustus Calo ng RTC, Branch 5 at Judge Emmanuel Escatron ng RTC Branch 2.

Aabot naman sa 116 thousand pesos ang halaga ng bail na ipinapataw ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.


Facebook Comments