Badoy, pinagmumulta sa pagbabanta sa mga huwes

 

Hinatulan ng Korte Suprema na guilty si dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lorraine Badoy.

Ito’y sa reklamong indirect contempt of court matapos magbanta na bobombahin ang mga opisina ng mga hukom.

Sa pahayag ng Korte Suprema, binantaan ni Badoy si Judge Marlo Magdoza-Malagar ng Manila Region Trial Court (RTC) na papatayin umano matapos hindi paboran ng hukom ang petisyon ng Department of Justice (DOJ) na ideklara bilang terorista ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).


Base pa sa Korte Suprema, maituturing na vitriolic statements and outright threats ang mga binitawan salita ni Badoy laban sa nasabing hukom.

Iginiit pa ng Korte Suprema na hindi sakop ng constitutional privilege ng protected speech ang anumang pag-udyok o pahayag na maaaring magdulot ng karahasan o pagkamatay ng sinuman.

Kaugnay nito, pinagmumulta si Badoy ng P30,000 kung saan binigyan din siya ng babala na mahaharap siya sa mas mabigat na parusa kung maulit ito.

Facebook Comments