Dating NYC Chair Ronald Cardema, pinatatawag na ng Comelec

Ipinatatawag na ng Commission on Elections si dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema.

Sa pinalabas na summon ng Comelec en Banc kay Cardema, pinahaharap ito sa Miyerkules, ganap na alas-dos ng hapon.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kaugnay ito sa inihaing notice of withdrawal ni Cardema noong September 13.


Sinabi ni Jimenez, batay na rin sa direktiba ni Commissioner Rowena Guanzon, bawal ang pagpasok ng cellphone sa gagawing pagdinig sa session hall.

Matatandaan, iniatras na ni Cardema ang kanyang nominasyon bilang first nominee ng Duterte Youth Partylist dahil sa aniya’y kahihiyan na idinulot ng pagharang ni Guanzon sa kanyang pagnanais na maging kinatawan ng  kanilang grupo.

Inaakusahan din ni Cardema si Guanzon ng panghihingi ng pabor kapalit ng pag-apruba sa kanyang substitution bid.

Facebook Comments