Dating NYC Chairman Ronald Cardema, pinadalhan na ng subpoena ng Comelec

Pinatatawag na ng Comelec si dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema kaugnay ng sinasabing misrepresentation nang maghain ito ng substitution plea para sa Duterte Youth Party-List.

 

Pinasisipot si Cardema sa preliminary investigation ng poll body sa December 13,2019 hinggil sa sinasabing paglabag niya sa Section 74 ng Omnibus Election Code.

 

Inatasan din siya ng komisyon na magsumite ng kanyang counter-affidavit , supporting documents at affidavit ng kanyang mga testigo.


 

Batay sa subpoena ng Comelec, kapag nabigo si Cardema na sumipot sa pagdinig, matatanggalan na siya ng karapatan na idepensa ang kanyang sarili at isa-submit for resolution na ang kaso batay sa mga inihaing ebidensya laban sa kanya.

 

Una nang kinuwestiyon ng ilang grupo ang kwalipikasyon ni Cardema na maging kinatawan ng Duterte Youth Party-List gayung siya ay trenta’y kwatro anyos na.

Facebook Comments