Dating OFW, arestado ng PDEA dahil sa pag-claim ng mahigit P55-M na halaga ng imported na shabu sa Cavite

Arestado ang isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) sa Taiwan matapos ang isang controlled delivery operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Hugo Perez, bayan ng Trece Martires sa Cavite.

Kinilala ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo ang arestado na si Michael Florendo, 36 anyos.

Inaresto siya nang tanggapin ang isang parsela na naglalaman ng 2.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P55 milyon.


Ayon sa operating team ng PDEA, dumating ang parsela sa Port of Clark noong Disyembre 17, 2023.

Nagmula ito sa Long Beach, California, USA at ipinadala kay Florendo.

Matapos matuklasang ipinagbabawal na droga ang laman ng parsela, dito na nagkasa ang PDEA ng isang kontroladong operasyon ng paghahatid.

Pansamantalang nakakulong si Florendo sa PDEA-3 jail facility sa City of San Fernando, Pampanga at mahaharap sa paglabag sa Section 4 o importation of dangerous drugs sa ilalim ng Republic Act 9165.

Facebook Comments