Dating OFW, inabandona daw ng pamilya dahil wala nang pera

Courtesy Saff Guiaman

Viral ngayon sa social media ang istorya ng isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) na umano’y pinabayaan ng pamilya.

Batay sa Facebook post ni Mike Pera, nagdesisyong bumalik sa Pilipinas si Ramon Nabuhay noong Disyembre 2018 dahil sa iniindang karamdaman pero inabandona siya ng mga kaanak na tinulungan niya ng mahabang panahon.

Mahigit dalawang dekada nagtrabaho sa Tabuk, Saudi Arabia ang 61-anyos na lalaki bilang quality control.


Ayon pa sa post, pinag-aral umano ni Mang Ramon ang mga pamangkin niya at ipinapadala halos lahat ng kinikita sa mga kapatid. Hindi na rin umano ito nakapag asawa pa.

Naging palaboy raw ang matandang lalaki sa Luneta Park sa Maynila at doon na daw madalas natutulog.

Sa tulong ng mga netizen at kapwa OFW, naipasuri siya sa Philippine General Hospital (PGH) at sumasailalim na sa gamutan.

Hiling ng mga uploader at social media users, agarang paggaling ni Mang Ramon at matulungan na din ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments