Dating OFW na nakapatay ng kapwa-Pinoy sa South Korea, arestado ng NBI

Makalipas ang ilang taong pagtatago, naaresto na ng National Bureau of Investigation o NBI ang isang dating OFW na pumatay sa kapwa-Pilipino sa South Korea.

 

Si Yugoslav Magtoto, ay nasresto ng NBI sa Candaba, Pampanga.

 

Si Magtoto ang sinasabing pumatay sa ofw na si Angelo Camen Claveria.


 

Naiulat na nawawala si Claveria noong 2016, pero noong April 2018 ay natagpuan ang kalansay nito sa isang septic tank.

 

Batay sa DNA test ng mga otoridad ng South Korea, tumugma ang DNA ng biktima sa nanay nito.

 

Sinasabing Ninakaw din  ni Magtoto ang mga gamit ni Claveria, at nagwithdraw pa ng P47,600 sa debit card ng biktima, bago tumakas patungong Pilipinas noong May 9, 2016.

 

Nasa kustodiya ng NBI si Magtoto, at naghihintay ng extradition sa South Korea para harapin ang murder case doon.

Facebook Comments