Dating OFW, pinagbabaril ng riding in tandem patay sa Marikina City

27

Manila, Philippines – Patay ang isang dating OFW  matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Marikina City.
  Kinilala ang biktima na si Roberto Dumlao 67 anyos isangretired OFW.
  Batay sa imbestigasyon ng pulisya , pasado alas nuevekagabi nakita ng mga residente roon ang apat na kalalakihang nakatakip angkanilang mga  mukha at sakay ng dalawangmotorsiklo pagkatapos ay huminto umano sa tapat ng eskinita sa Capt. SendoStreet  Brgy. Jesus Dela Peñapagkatapos  bumaba ang dalawang angkas atpumasok sa loob ng eskinita at makalipas lamang ang ilang sandali ay nakarinigna sila ng limang putok ng baril. Mabilis na bumalik ang dalawang lalaki atmuling sumakay sa mga naghihintay na motorsiklo.
  Habang ang biktima ay nakahandusay at nagtamo ng tama ngbala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
  Ayon naman sa salaysay ni Abe Dumlao, anak ng biktima,nuong linggo lamang ay may nakaaway ang kanilang ama at umuwing sugatan kungsaan nagbanta pa umano ang mga kaaway nito na hindi naman binanggit ng biktimakung sino ang mga nakaaway nito.
  Masusing inaalam na ng Marikina PNP kung sino ang hulingnakaalitan ng biktima bago nangyari ang naturang pamamaslang.
 

Facebook Comments