Kalaboso ang isang dating ofw matapos itong magcash-in sa isang online payment app pero wala naman pala itong pera na pambayad.
Ang suspek ay nakilalang si May Soriano residente ng nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon na nagtungo sa isang tindahan ang Suspek upang mag cash in sa pamamagitan ng gcash na nagkakahalaga ng labing walong libong (18,000) piso pero wala palang pambayad.
Nagpanggap pa umano ito na nanalo ng pera sa Wowowin ni Willie Revillame kung saan ay babayaran nito ang pera kapag nakuha na nito ang napanalunan.
Subalit hindi naniwala ang mga may ari ng tindahan at agad na itinawag ng pnp ang suspek na agad namang Inaresto at ngayon ay Nahaharap na sa kaukulang kaso. |ifmnews
Facebook Comments