Dating OMB Chairman Ronnie Ricketts, pinayagan ng Sandiganbayan na makalabas ng bansa

Manila, Philippines – Pinahintulutan ng Sandiganbayan 4th Division si dating Optical Media Board Chairman Ronaldo ‘Ronnie’ Ricketts na makalabas ng bansa sa susunod na buwan.

Naghain ng mosyon si Ricketts para makapagbakasyon mula Marso 1-9 sa Japan kasama ang kanyang pamilya.

Noong Disyembre pa nakaplano ang bakasyong ito upang matiyak na makasasama ang kanilang mga anak.


Tutuloy naman ang pamilya sa Shinjuku Granbell Hotel.

Si Ricketts ay nahaharap sa kasong graft kaugnay sa alegasyon ng maanomalyang pagpapalabas ng mga DVD at VCD na nakumpiska sa isang raid noong 2010.

Facebook Comments