Dating Ombudsman Merceditas Gutierrez, itinalagang bagong pinuno ng NCSC

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si dating Ombudsman Ma. Merceditas Gutierrez bilang bagong Chairperson ng National Commission for Senior Citizens (NCSC).

Batay sa appointment paper na nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. noong Oktubre 17, 2025, ipinagkatiwala kay Gutierrez ang pinakamataas na posisyon sa komisyon.

Papalitan ni Gutierrez si Mary Jean Loreche bilang NCSC chief, at maglilingkod siya sa tungkulin hanggang Setyembre 17, 2031.

Kasabay nito, nagluklok din ang pangulo ng tatlong bagong opisyal sa Government Service Insurance System (GSIS).

Itinalaga bilang acting members ng GSIS Board of Trustees sina Cenon Audencial Jr. at Enrico Gregorio Trinidad, na kakatawan sa banking, investment, at insurance sectors.

Papalitan ni Audencial si Gary de Guzman, habang hahalili naman si Trinidad kay Emmanuel Samson.

Itinalaga rin si Gilbert Tan Sadsad bilang acting member ng GSIS Board na papalit kay Rita Riddle, habang si de Guzman ay uupo sa binakanteng posisyon ni Gutierrez, na ngayo’y mamumuno sa NCSC.

Facebook Comments