Dating One Direction boy band member Zayn Malik, plano daw maging isang politiko sa Amerika

Amerika – Plano ngayon ng British Pop Star na si Zayn Malik posibleng ikonsidera raw niya ang pagsabak sa politika sa bansang Amerika na kanyang tinawag na “New Home.”

Ayon kay Malik, iba daw talaga ang welcoming spirit ng mga taga-Estados Unidos lalo na kung isa kang celebrity o kaya ay politiko.

Aminado naman siya na “A bit shocked” siya sa umpisa sa pagiging palakaibigan daw ng mga Americans.


Nabatid na si Zayn ay may lahing Pakistani, at isa sa mga kilala at most visible na Muslim sa Western Pop Music.

Matapos na umalis sa One Direction noong 2015, lumipat siya sa Los Angeles at kamakailan lang ay lumipat naman din sa New York.

Facebook Comments