Friday, February 6, 2026

Dating opisina ni Finance Secretary Frederick Go, binuwag na ni PBBM

Pormal nang binuwag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA) na dating pinamumunuan ni Finance Secretary Frederick Go.

Sa bisa ng Executive Order No. 108, ililipat at isasama na sa Office of the Executive Secretary ang lahat ng tungkulin ng OSAPIEA upang gawing mas simple at mas mabilis ang pagproseso ng mga usaping may kinalaman sa pamumuhunan at ekonomiya.

Kasama sa ililipat ang mga dokumento, kagamitan, at mga kawani ng OSAPIEA, alinsunod sa umiiral na mga batas at patakaran.

Mananatili namang Chairperson ng Economic Development Committee ang Finance Secretary, habang ang Executive Secretary ang mamumuno sa Semiconductor and Electronics Industry Advisory Council.

Ayon sa Malacañang, layon ng hakbang na ito na pabilisin ang pagdedesisyon ng pamahalaan at patibayin ang koordinasyon sa pagpapatupad ng mga programang pang-ekonomiya.

Facebook Comments