Dating opisina sa Ermita, Maynila, nasunog

Nasunog ang isang palapag na gusali na dating recruitment agency sa Ermita, Maynila.

Partikular sa kanto ng Mabini at Sta. Monica Street kung saan nagsimula ang sunog ng alas-6:42 ng umaga.

Mabilis na rumesponde ang nasa halos anim hanggang walong truck ng BFP Manila at fire volunteers kaya’t naapula ang sunog ng alas-7:20 ng umaga.


Bahagya namang bumagal ang daloy ng trapiko matapos isara ang bahagi ng Mabini Street mula Pedro Gil patungo ng UN Ave. at Kalaw kasabay ng pag-apula ng apoy.

Matapos masiguro na wala nang apoy, binuksan din sa mga motorista ang kalsada habang wala namang nasaktan sa sunog na patuloy na iniimbestigahan ang sanhi maging ang halaga ng mga ari-ariang natupok.

Facebook Comments