
Naghain ng reklamo sa City Prosecutors’ Office ng Caloocan City si 2nd District Congw. Mitch Cajayon laban kay dating Cong. Edgar Erice.
Ito’y may kinalaman sa umano’y pambabastos sa pagkababae ni Congw. Cajayon matapos sabihin ni Erice sa isang caucus ng kanyang mga lider ang mga malalaswang salita.
Kabilang na dito ang umano’y pagbubutas niya ng bangko sa Kongreso, pamamahagi ng ayuda at pagpapalaki ng dibdib ng Kongresista.
Humihingi ng 100 milyong piso na danyos si Cajayon laban kay Erice.
Sinusubukan pang kunin ng DZXL News ang panig ng dating kongresista.
Facebook Comments