Sa Lanao Del Norte, patay ang dating opisyal ng Barangay sa Lanao Del Norte, na nahaharap sa kasong ilegal na droga, nang mabaril ito, alas-4:00 ng madaling araw kahapon, huwebes.
Sugatan naman ang isang sundalo nang magkabarilan nang i-serve sana ang search warrant para kay samolabao tumog, sa kanyang tahanan sa BARANGAY abaga, kung saan siya dating nanilbihan bilang kapitan, sa bayan ng Nunungan, Lanao Del Norte.
Ayon kay Ltc. Rolando Orengo, Commander ng 5th Mechanized Infantry Battalion, Philippine Army, tatlong mga kamag-anak ni Tumog, na nakilalang sina Jalal Diambarang Tumog, Pano Tumog at Hami Tumog, ang nahuli.
Nakuha naman mula sa mga ito ang isang M-16 armalite rifle, dalawang rifle grenades, isang hand grenade, mga magazine at mga bala.
Kakasuhan ang mga ito ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions.