Pinuna ni dating Agriculture Sec. Leonardo Montemayor ang tila mabagal na hakbang ng pamahalaan para maagapan ang epekto ng El Niño sa bansa.
Ayon kay Montemayor, nakakaalarma ang patuloy na paglobo ng pinsala ng El Niño sa mga lugar na may malalawak na taniman ng palay.
Ito’y matapos lumabas sa datos ng Department of Agriculture (DA) na kabilang sa mga pinakaapektado ngayon ng El Niño ang mga probinsya sa kanlurang bahagi ng bansa gaya ng Iloilo at Mindoro, na pangunahing producer ng palay at bigas sa Western Visayas at MIMAROPA.
Pinuna rin ni Montemayor ang tila kawalan ng pagtutok ng pamahalaan sa water impounding, at posibilidad na magkulang ang aanihing suplay.
Gayundin, ang pagkakatalaga kay Defense Sec. Gilbert Teodoro bilang pinuno ng Task Force El Niño imbis na ang kalihim ng DA.