Dumepensa ang isang dating opisyal ng Department of Budget and Management matapos madawit ang pangalan nito sa isyu ng pagbili ng Department of Health ng umano’y overpriced na face mask at face shields at paglilipat sa kanila ng pondo na nagkakahalaga ng ₱42 billion.
Ayon kay dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao, pinakamura na noong nakaraang taon ang kanilang biniling face masks na nagkakahalaga ng ₱27 at ₱120 naman para sa face shields.
Paliwanag ni Lao, naglalaro sa ₱30 hanggang ₱40 ang presyo ng face mask at ₱250 naman hanggang ₱400 ang face shields sa panahon ng kanilang pagbili noong Abril at Mayo 2020 dahil na rin sa kakulangan pa ng supply.
Samantala, nakahanda ring humarap si Lao sa imbestigasyon ng Senado upang bigyang linaw ang naturang isyu.